Lifestyle

Hidilyn Diaz, excited sa tulong ng BDO Cash Agad sa Mampang, Zamboanga

MAMPANG, ZAMBOANGA CITY—Malaki ang paniniwala ni Olympic at Southeast Asian Games weightlifting gold medalist Hidilyn Diaz na nakakatulong ang pagiging BDO Cash Agad partner-agent ng kanyang gym sa mga kababayan niya sa Barangay Mampang at kalapit-lugar sa Zamboanga City.

Ang gym ay nagsisilbing training facility para sa mga nangangarap na maging champion weightlifter tulad ni Hidilyn, at sa iba pang health and sports enthusiasts. Kahapon, pormal nang inilunsad ang Hidilyn Diaz Gym bilang Cash Agad partner-agent sa nasabing lugar.

“Alam ko na makakadagdag ng kita para sa pamilya ko (na syang nag o-operate ng gym) ang pagkakaroon ng Cash Agad point-of-sale (POS) terminal sa gym,” ani Hidilyn. “Pero mas malaking ginhawa ang maidudulot nito sa mga kababayan ko sa Mampang lalo na sa pag-withdraw nila ng cash.”

Gamit ang ATM cards mula sa BDO Unibank, BDO Kabayan Savings, at BDO Network Bank, at iba pang local banks, maaaring nang mag-withdraw sinuman ng cash sa gym ni Hidilyn Diaz at iba pang mga small to medium businesses tulad ng sari-sari stores. Dahil may over 10,000 Cash Agad agents na nationwide, hindi na kailangan pang bumiyahe ng mga customers nang malayo at gumastos sa pamasahe papunta sa bangko o ATM sa siyudad.

“Dito sa Mampang, kailangan pa nilang bumiyahe ng mga 10 kilometers para lamang makapag-withdraw sa bayan. Pero ngayon dahil may POS na sa gym namin dito, kaunting lakad na lang sila. At dahil magkakakilala naman kami dito sa Mampang, anytime pwede silang magpunta para mag withdraw lalo na kung para sa emergencies,” dagdag pa ni Hidilyn. “Para sa mga beneficiaries ng mga overseas Filipinos, madali na nilang mai-wiwithdraw ang kanilang remittance dahil may Cash Agad na dito.”

Para sa mga family members nya na nagma-manage ng gym, dagdag kita din ang dulot ng Cash Agad mula sa convenience fee sa bawat withdrawal transaction ng customer. Bukod sa withdrawal, pwede ring mag balance inquiry sa Cash Agad POS.

Payo din ng weightlifting champion na magandang ehemplo ang gym nya na may Cash Agad para sa mga iba pang may negosyo.

“Sa mga may negosyo, lalo na yung mga nasa far-flung areas, I encourage them na mag apply na rin na maging Cash Agad partner-agent dahil dagdag kita ito sa kanila. Makakatulong din ang Cash Agad na madagdagan ang mga suki sa business nila dahil kadalasan pag nagwiwithdraw ang customer sa Cash Agad at nakita nila yung mga paninda mo, bibili na rin ang mga yun. Malamang mag kwento pa sila sa mga kakilala nila na ‘dun ka na bumili, makakapag withdraw ka pa dahil may Cash Agad’,” giit ni Hidilyn.

Nagsagawa rin ng Agents Day ang BDO Remit, BDO Network Bank at BDO Cash Agad kung saan ang mga branch employees mula sa iba’t-ibang lugar sa Zamboanga City ay nagsagawa ng financial inclusion activities para sa mga taga-Mampang, kabilang na dito ang pag facilitate ng account opening, loan application, at pag tugon sa mga inquiries sa Cash Agad.

Mommy Iris

I'm a lifestyle and mommy blogger from the Philippines. Pinay Ads was created to share bits and pieces of my life and my family. I have a wide array of interests that include entertainment, movies, music, gadgets, traveling, food, baking, and more. So, I hope you’ll stick around and enjoy reading!

Recent Posts

Driving Sustainability: Choosing Eco-Friendly Cars

In recent years, the conversation around climate change and environmental sustainability has intensified, with the…

11 hours ago

Cemex Philippines Opens New Strategic Warehouse in Batangas

Cemex Philippines opened its newest warehouse to meet the increasing demand for high-quality construction materials.…

2 days ago

Lenten Dining Made Easy with foodpanda

This Lenten season, people often opt to look for healthier meals. Luckily, foodpanda has your…

4 days ago

Enstack Launches “HERstory”: A Celebration of Women in Leadership

Enstack, the AI-powered mobile app that enables everyone to be entrepreneurs, announced today the launch…

4 days ago

Abot kaya ang coolness with Home Credit’s hottest deals on appliances, gadgets this summer season

As the summer sun turns up the heat this dry season, Home Credit Philippines, one…

5 days ago

Cong TV, Kyline, and other top influencers level up their summer with Mang Inasal Extra Creamy Halo-Halo

Over 20 million views and 700,000 engagements in less than one month have been earned…

6 days ago