Isa sa pinaka-patok na small business ideas ang sari-sari store. Kung ikaw ay naghahanap ng panimulang negosyo na hindi kailangan ng malaking puhunan, o kung ikaw ay naghahanap ng extra income right from home, ay tiyak na swak na negosyo ang isang sari-sari store.
Ikaw ba ay naghahanap ng mga paraan kung paano palaguin ang iyong sari-sari store? Ito ang ilan sa mga tips and tricks if you’re ready to take the next step in your business!
Siguraduhin na may legal registration
Mahalagang siguraduhin na ang iyong small business ay may legal papers and properly registered. Lalo na’t kung ikaw ay magcoconsider ng expansion at other business innovations.
Less hassle at time kung maaga palang ay iyo nang ipinarehistro ang iyong sari-sari store. Tandaan, kahit small business lang ang iyong tindahan ay kailangan pa rin ng tamang papeles at maging legal ang iyong negosyo!
Market research on possible business innovations
The bloodline of your small business is your customers and your market. Before you decide what business venture to try next or how to expand your business, subukan mag sensing o mag interview sa iyong mga current suki o customers. Ano nga ba ang hinahanap nilang food business or services?
Anong price point ba ang kaya nilang tangkilikin? Mahalaga na alamin ang pangangailangan at purchasing power ng iyong market para maging perfectly suitable ang iyong produkto at negosyo para sa kanila.
Ilan sa mga maaari mong i-consider when doing your market research is the demographics (Teenagers ba or mga parents ang madalas mong customer? Malapit ka ba sa work and office area or sa industrial area?) at ang interests ng iyong mga customer.
Make sure you have enough space to renovate
Isang mahalagang factors para sa iyong business expansion is if you have enough physical space para sa iyong new business. Do you have enough land for a small cafe? Or is it only possible for you to offer something less space demanding like a printing servicing business?
Tandaan na kung ikaw ay magsisimula ng food business, isa sa mahalagang factors para sa mga consumer is if your space has seating capacity and proper ventilation.
Consider online business expansion
Kung walang physical space for a new business, maaari mong subukan ang online business expansion. Maraming mga online stores at e-shops ang patok sa mga mamimili ngayon. Maaari mo rin subukan ang mga delivery services and reaching out to your customers through social media apps and other new platforms.
Don’t be afraid to try new technology
The best way to innovate is to go with the trends. Bukod sa online shopping at marketing techniques online, marami na ring bagong teknolohiya na maaaring makatulong sa iyong small business. Tulad ng SmartSari na isang all-in-one platform na maaaring makatulong sa pagsisimula ng iyong next business venture!
Take out a loan for bigger business ventures
If your capital is a little short for your next business venture, maaari kang kumuha ng loan sa mga trusted institution. Getting out a loan also lets you try a bigger business. Remember, high risk businesses are also often high rewards!
Ano man ang iyong next business adventure, ang pinakamahalagang tip is to stay committed to your goal. Whether you’re looking to earn more money or provide a secondary income to the family, you should never forget the goals and your vision for you small business.
Tandaan ang mga tips na ito para sa expansion ng iyong sari-sari store!