Online Sellers, Tiyak na Makikinabang sa LBC Branch Collect


Angela online shopping ay “in na in” ngayon sa mga consumers na mas gusto mag-shopping gamit ang kanilang smartphones kaya naman kumakailan ay nag-launch ang LBC ng pinabago nitong service para sa e-commerce industry at ito ang Cash on Pick-up and Cash on Delivery.

Maraming mga aspiring sellers tulad ni Liza Chavez, ay walang bank account. “Malaking tulong ang aking small online business sa aking pamilya. Pero less hassle sana kung makukuha ko ang payments mula sa aking buyers nang hindi na kailangang makipag-meet up”. Ganito din ang pananaw ni Joseph Quitevis, na kakasimula lang magbenta online ng men’s apparel. Aniya: “Mas maganda sana kung may isang lugar kaming puwedeng lapitan para mag-asikaso ng payments ng aming mga buyer- lalu na’t marami sa kanila ang mula pa sa iba’t ibang sulok ng bansa.

Sa current COP and COD process, kailangan ng seller ang bank account dahil dito ide-deposit ng LBC ang payment ng kanilang buyer. Alam ng LBC na marami pa ding online sellers ang walang bank account. Kaya naman, excited na silang ipakilala sa mga sellers na tulad nina Liza at Joseph ang dagdag na options para makuha ang bayad ng mga buyers sa pamamagitan ng “Branch Collect”.

Sa pamamagitan ng Branch Collect, maaari nang kunin ng seller ang payment ng kanyang buyer sa LBC branch. Sa Branch Collect, makakatanggap ang seller ng SMS notification from LBC na maaari na niyang kunin ang kanyang pera sa LBC branch. Kapag ang collection mula sa customer ay below P10,000, puwedeng kunin ng seller ang payment sa kahit anong LBC branches. Kapag higit P10,000 naman ang collection, kailangang i-specify niya kung saang LBC branch niya ito kukunin.

Ang kagandahan ng Branch Collect para sa current COP COD sellers na may minimum transactions ay puwede nilang makuha agad ang kanilang investment para magamit muli bilang kapital. To know more about Branch Collect punta lang sa pinakamalapit na LBC branch.


Like it? Share with your friends!

Mommy Iris

I'm a lifestyle and mommy blogger from the Philippines. Pinay Ads was created to share bits and pieces of my life and my family. I have a wide array of interests that include entertainment, movies, music, gadgets, traveling, food, baking, and more. So, I hope you’ll stick around and enjoy reading!

0 Comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *